LUNGSOD NG BALANGA — Umabot na sa 602 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Bataan at 406 naman ang nakarekober na, batay sa ulat ngayong Huwebes ni Gov. Albert Garcia.
Sinabi ng governor na tumaas ang mga bilang matapos may nadagdag na limang bagong nagpositibo at 14 na gumaling sa Covid–19.
Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay isang 30-anyos na babae mula sa Abucay, 43-anyos na lalaki mula sa Bagac, 45-anyos na babae mula sa Dinalupihan, at 81-anyos na babae at 42-anyos na lalaki na parehong mula sa Limay.
Kabilang sa bagong nakarekober naman ay mga kabataan – isang 3-anyos na lalaki mula sa Limay, 11-anyos na babae mula sa Mariveles, at 11-anyos at 14-anyos na kapwa babae sa Abucay.
Ang iba pang bagong gumaling sa Covid ay apat sa Abucay, apat sa Limay, dalawa sa Mariveles, at isa sa Balanga City.
Sa ulat ng provincial health office, 181 ang mga aktibong kaso o ang mga hindi pa gumagaling sa virus habang nananatiling 15 ang pumanaw na.
Ayon sa PHO, 10,801 ang sumailalim sa Covid–19 test na ang 10,074 ay nagnegatibo at 125 ang naghihintay ng resulta.