Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 498 kumpirmadong kaso

Covid-19 sa Bataan: 498 kumpirmadong kaso

612
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Isa ang naitalang bagong namatay sa coronavirus disease sa Bataan kaya umakyat na sa 14 ang bilang ng mga pumanaw na samantalang tumaas naman sa 498 ang mga kumpirmadong kaso, sabi ni Gov. Albert Garcia nitong Martes.

Ayon sa governor, ang bagong nasawi ay isang 60-anyos na babae mula sa lungsod na ito.

Sa huling ulat ng provincial health office Lunes ng gabi, tatlo ang bagong kumpirmadong kaso ng Covid-19 na ang isa ay 22-anyos na lalaking mula sa Mariveles na merong travel history sa Olongapo at nagkaroon ng close contact sa nagpositibo sa Covid-19.

Ang dalawang iba pa ay pawang mga in-patient sa ospital sa lalawigan. Sila ay 60-anyos na babae mula sa Balanga City at 69-anyos na lalaki mula sa Mariveles.

Samantala, umabot na sa 298 ang bilang ng nakarekober matapos may apat na bagong pasyenteng gumaling na kabilang ang isang sanggol at isang bata.

Ang mga ito ay isang 38-anyos at 2-anyos na parehong babae mula sa Abucay at 17 araw na gulang na babaeng sanggol at 40-anyos na babae, kapwa mula sa Mariveles.

Ayon sa PHO, ang bilang ng mga aktibong kaso ay 186. May 8,672 ang nagnegatibo na at 343 ang naghihintay ng resulta mula sa 9,513 na sumailalim na sa pagsusuri.

Upang hindi na dumami ang kaso ng Covid-19, patuloy ang ating tagubilin na sundin ang mga safety protocol para makontrol ang pagtaas ng bilang ng apektado ng virus sa ating lalawigan,” paalaala ni Garcia.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here