Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 4 senior citizens patay 

Covid-19 sa Bataan: 4 senior citizens patay 

631
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Sa ulat ng provincial health office Lunes ng gabi, nagtala ang Bataan ng apat na bagong patay sa coronavirus disease na pawang mga senior citizens na nagpataas sa kabuuang bilang ng mga nasawi sa 540.

Umakyat  naman sa 15,028 ang mga nagpositibo sa virus na 34 ang  Delta variant at 2,263 ang mga aktibo nang magkaroon ng 190 bagong kumpirmadong kaso.

Tumaas sa 12,225 ang mga nakarekober matapos magtala ng 42 bagong gumaling sa sakit.

Ang mga bagong pumanaw ay 60-anyos na lalaki sa Orion, 60-anyos na babae sa Pilar at 94-anyos at 83-anyos na parehong babae sa Dinalupihan.

Sa mga bagong kumpirmadong kaso ang mula sa Mariveles ay 97, Balanga City – 42, Limay – 24, Dinalupihan – 5, Abucay – 5, Bagac – 5, Pilar – 4, Orion – 3, Morong – 2, Orani – 2, at Samal – 1.

Ang mga bagong nakarekober ay mula sa Balanga City (18), Abucay (9), Limay (8), Mariveles (3), Morong (2), Orani (1) at Orion (1). )

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here