Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 4 na bata sa 70 bagong nakarekober

Covid-19 sa Bataan: 4 na bata sa 70 bagong nakarekober

624
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Umakyat na sa 2,042 ang bilang ng mga nakarekober sa coronavirus disease sa Bataan matapos magtala ng 70 bagong gumaling na pasyente na kabilang ang apat na bata, sabi ni Gov. Albert Garcia nitong Huwebes.

Ang mga bagong nakarekober ay pinakamarami sa Mariveles na umabot ng 53. Ang iba pa ay 15 sa Orion, at tig-iisa sa Dinalupihan at Morong.

Kasama sa mga bagong gumaling ang apat na bata – isang taong gulang na lalaki at 10-anyos na babae sa Mariveles, apat na taong gulang  at walong taong gulang na parehong lalaki sa Orion.

Samantala, isang 64-anyos na babae ang nadagdag sa mga nasawi kaya ang bilang ay umabot na sa 46.

May naitalang 20 bagong kumpirmadong kaso na nagpataas sa kabuuan nito sa 2,468 na ang 380 ay mga aktibong kaso o mga hindi pa gumagaling sa Covid19.

Ang mga bagong kaso ay anim mula sa Mariveles, tig-tatlo sa Morong at Balanga City, tig-dalawa sa Dinalupihan, Limay, at Orani at tig-isa mula sa Hermosa at Orion.

Sa huling ulat ng provincial health office, mayroon nang 23,142 ang sumailalim sa Covid19 test na ang 20,329 ay nagnegatibo na at 345 ang naghihintay ng resulta.

Upang hindi na dumami ang kaso ng Covid-19, patuloy  ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng face mask at mag observe ng physical distancing na dalawang metro,” panawagan ng governor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here