Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 35 na ang nasawi, 2,148 kabuuang kaso

Covid-19 sa Bataan: 35 na ang nasawi, 2,148 kabuuang kaso

713
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Iniulat ni Gov. Albert Garcia ngayong Biyernes na may isang namatay sa coronavirus disease kaya umakyat na sa 35 ang bilang ng mga nasawi sa Bataan.

Ayon sa governor, ang pang-35 biktima ng Covid-19 ay isang 37-anyos na lalaki mula sa lungsod na ito.

Ang mga kumpirmadong kaso ay tumaas sa 2,148 nang magkaroon ng 31 na bagong pasyente na binubuo ng 17 mula sa bayan ng Mariveles, tig-lima sa Balanga City at Dinalupihan, at tig-iisa sa Orion, Pilar, Hermosa, at Morong.

May 772 ang mga aktibong kaso o mga pasyenteng hindi pa gumagaling. Sinabi ng provincial health office na lahat sila ay naka-isolate na.

Lumabas sa contact tracing na pito sa mga bagong kaso ay nagkaroon ng close contact sa mga nauna nang nagpositibo sa Covid-19 na ang apat ay mula sa Dinalupihan at tig-iisa sa Balanga City, Orion, at Mariveles.

Ang iba pa sa mga kumpirmadong kaso ay 16 mula sa Mariveles, apat sa Balanga City, at tig-iisa sa Morong, Hermosa, Pilar at Dinalupihan.

Umabot naman sa 1,341 ang bilang ng mga nakarekober matapos magtala ng panibagong gumaling na 57 pasyente na ang 30 ay mula sa Mariveles, 11 sa Limay, 10 sa Orion, dalawa sa Balanga City, at tig-iisa sa Morong, Dinalupihan, Pilar, at Orani.

Mula sa 20,429 na sumailalim na Covid-19 test, 17,907 ang nagnegatibo na habang 374 ang naghihintay pa ng resulta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here