Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 3,494 kumpirmadong kaso, 3,164 nakarekober

Covid-19 sa Bataan: 3,494 kumpirmadong kaso, 3,164 nakarekober

562
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Nagtala ang Bataan ng 3,494 kumpirmadong kaso ng coronavirus disease matapos madagdagan ito ng 20 samantalang umabot naman sa 3,164 ang kabuuang bilang ng nakarekober nang magkaroon ng 21 bago, ulat ni Gov. Albert Garcia nitong Huwebes.

May bilang na 258 ang mga aktibong kaso na ang sabi ng provincial health office ay naka-isolate na lahat. Ang mga pumanaw dahil sa mapanganib na virus ay 72.

Ag mga bagong nagpositibo ay anim mula sa Balanga City, lima sa Orani, tig-dalawa sa Limay, Orani at Morong, at tig-isa mula sa Mariveles, Orion at Abucay na ang pinakabata ay anim na taon at 76-anyos naman ang pinakamatanda.

Ang mga bagong gumaling ay anim sa Abucay, lima sa Dinalupihan, tatlo sa Balanga City, tig-dalawa sa Mariveles at Orani, at tig-isa mula sa Samal, Pilar, at Limay.

Kabilang sa mga bagong nakarekober ang dalawang bata – tatlong taong gulang na babae sa Abucay at apat na taong gulang na lalaki sa Orani.

Ayon sa PHO, mula noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 38,045 na ang natest sa Covid19 na ang 34,330 ay nagnegatibo na habang 221 ang naghihintay pa ng resulta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here