Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 2 OFW bagong kaso

Covid-19 sa Bataan: 2 OFW bagong kaso

808
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA Dalawang overseas Filipino worker ang naitalang bagong kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Bataan, batay sa ulat ng provincial health office ngayong Linggo.

Ang mga bagong kaso ay isang 41anyos na lalaki mula sa bayan ng Orani at isang 47anyos na lalaki rin mula sa Dinalupihan naman.

Sinabi ng PHO na dahil sa dalawang OFW, umakyat sa 171 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa Covid-19 sa lalawigan.

Sa kabuuan, 152 na ang naka-rekober habang ang active cases ay siyam at 10 naman ang pumanaw na.

Mayroon pang 228 ang naghihintay ng resulta ng laboratory test samantalang 3,286 ang nagnegatibo na, kabilang ang 136 nabagong na-test.

Ayon sa PHO, 3,685 ang buong bilang ng sumailalim sa Covid-19 test sa Bataan simula ika-31 ng Enero.

Upang hindi na dumami ang kaso ng COVID-19 sa ating lalawigan, patuloy ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng face mask at mag observe ng physical distancing na isang metro,” paalaala ng PHO.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here