Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 2 health workers naka-rekober, donasyon patuloy

Covid-19 sa Bataan: 2 health workers naka-rekober, donasyon patuloy

1176
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA Dalawang pasyente ang iniulat Martes ng gabi na gumaling na sa coronavirus disease kaya umakyat na sa 42 ang kabuuang bilang ng mga naka-rekober sa nakamamatay na virus sa Bataan.

Sa ulat ng provincial health office, ang mga bagongnaka-rekober ay parehong lalaki na 42 at 32 taong gulang na mga health workers sa isang ospital sa lungsod na ito.

Nananatiling 110 ang bilang ng mga nagpositibo sa Covid-19 sa Bataan na 42 na nga ang gumaling at lima ang pumanaw.

Mula noong Enero 31 hanggang sa kasalukuyan, meron nang 2,208 ang natest sa Covid-19 sa lalawigan. Nasa 549 ang bilang ng mga naghihintay ng resulta ng test at 1,549 ang nag-negatibo, kabilang ang 21 ngayong Martes.

Donasyon

Samantala, pinasalamatan ni Gov. Albert Garcia ang mga bagong donor ng pagkain at iba-ibang gamit para sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng enhanced community quarantine at mga frontliners.

Ang mga bagong nagpahatid ng tulong ay sina presidential spokesperson Harry Roque at provincial board member Iya Roque ng 150 pirasong personal protective equipment, Alliance Global Megaworld ng 250 kahon ng alcohol at 5,000 washable face mask, Wave Inc. ng mga face shields.

Ang Abucay multipurpose cooperative ay nagkaloob ng 25 sako ng bigas, Toplite Lumber Corp. ng 100kaban ng bigas, Luck-Well Construction Development Corp. ng 150 kahon ng tuna, 85 kahon ng corned beef,at 136 kahon ng noodles.

“Sa ating pagkakaisa at pagtutulungan ay mapagtatagumpayan natin ang krisis na ito,” sabi ng gubernador.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here