Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 19 bagong nakarekober

Covid-19 sa Bataan: 19 bagong nakarekober

562
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Umabot na sa 392 ang bilang ng mga naka-rekober sa coronavirus disease sa Bataan matapos may 19 na bagong gumaling sa mapanganib na virus, batay sa ulat ni Gov. Albert Garcia ngayong Miyerkules.

Sinabi ng governor na may isang matanda at dalawang menor de edad ang kabilang sa mga gumaling isang 84-anyos na babae mula sa Orani, isang 17-anyos na lalaki mula sa Dinalupihan, at 17-anyos na babae mula sa Pilar.

Ang iba pang bagong gumaling sa Covid-19 ay apat sa Dinalupihan, tig-tatlo sa Balanga City at Abucay, tig-dalawa sa Mariveles at Orion, at tig-isa sa Limay at Pilar.

Samantala, umakyat sa 597 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Covid-19 matapos magpositibo ang walo.

Isa sa mga bagong kumpirmadong kaso ay isang 10-anyos na lalaki mula sa Balanga City. Ang iba pa ay tatlo mula sa Balanga, isa sa Dinalupihan at tatlo sa Abucay.

Ang isa sa Abucay ay in-patient sa isang pribadong ospital, isang overseas Filipino worker, at ang isa ay nagkaroon ng close contact sa nauna nang nagpositibo sa Covid-19.

Ang bilang ng mga aktibong kaso ay 190 habang nananatiling 15 ang mga nasawi na.

Mula sa 10,546 na sumailalim na sa pagsusuri, 143 ang naghihintay pa ng resulta samantalang 9,806 ang nagnegatibo na, sabi ng provincial health office.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here