Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 17 bagong kaso

Covid-19 sa Bataan: 17 bagong kaso

548
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Nagtala ang Bataan ng 17 bagong kaso ng coronavirus disease na naging dahilan upang umabot na sa 619 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus, pahayag ngayong Biyernes ni Gov. Albert Garcia.

Lumabas sa contact tracing na 10 sa 17 bagong kaso ay nagkaroon ng close contact sa mga nauna nang nagpositibo sa Covid-19. Ang mga ito ay lima mula sa Mariveles, tig-dalawa sa Morong at Hermosa, at isa sa Dinalupihan.

Dalawa sa mga bagong kumpirmadong kaso ay mga in-patients sa isang ospital sa Bataan. Kabilang dito ang isang 5-anyos na lalaki mula sa Limay at isang 38-anyos na lalaki mula sa Mariveles.

Ang iba pang mga kaso ay apat kabilang ang isang health worker mula sa Mariveles at isa mula sa Limay.

Ayon sa provincial health office, umakyat naman sa 409 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober matapos may tatlong gumaling na lahat mula sa Balanga City.

Ang bilang ng mga aktibong kaso ay tumaas sa 195 habang nananatiling 15 ang pumanaw na.

Mula sa 11,137 na sumailalim sa Covid-19 test, 10,192 ang nagnegatibo na samantalang 326 ang naghihintay pa ng resulta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here