Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 10 nakarekober, 1 bagong kaso

Covid-19 sa Bataan: 10 nakarekober, 1 bagong kaso

607
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA —  Sa pinakahuling ulat ng provincial health office, nagtala ang Bataan ng sampung bagong nakarekober at isang bagong kumpirmadong kaso ng coronavirus disease, sabi ni Gov. Albert Garcia Martes ng gabi.

Ang mga bagong gumaling ay kinabibilangan ng isang 18-anyos, 78-anyos, 33-anyos at 63-anyos, pawang mga babae, mula sa Balanga City; 29-anyos na lalaki, 65-anyos na babae at 47-anyos na babae sa Abucay; 27-anyos at 61-anyos na parehong lalaki sa Limay; at 49-anyos na lalaki mula sa Orani.

Ang nag-iisang bagong nagpositibo sa virus ay lalaking 56-anyos mula sa Balanga City.

Ang kabuuang bilang ng mga nakarekober ay umabot sa 3,637 samantalang ang mga kumpirmadong kaso ay 3,779. Nananatiling 84 ang mga nasawi na at bumaba sa 58 ang mga aktibong kaso o ang hindi pa gumagaling.

Iniulat ng PHO na may 43,543 na ang sumailalim sa Covid- 19 tests na ang 39,695 ay nagnegatibo.

Samantala, namahagi ang Department of Social Welfare and Development-Region 3 ng mga makinang panahi sa 66 na benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program at iba pang mahihirap na pamilya sa bayan ng Limay.

Ang mga nabiyayaan ay sumailalim muna sa skills training sa dressmaking na isinagawa ng public employment service office ng Bataan at ng municipal social welfare office ng Limay.

Sinabi ng governor na ang proyekto ay nasa ilalim ng sustainable livelihood program ng DSWD na naglalayong matulungan ang mga naapektuhan ng pandemya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here