Home Headlines Covid–19 sa Bataan: 1 pumanaw

Covid–19 sa Bataan: 1 pumanaw

580
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Isa pang pasyente ang pumanaw sa coronavirus disease kaya umakyat na sa 10 ang bilang ng mga namatay sa mapanganib na virus sa Bataan, batay sa ulat ng provincial health office Lunes ng gabi.

Ang bagong iniulat na nasawi ay isang lalaki na 46-anyos, mula sa bayan ng Mariveles.

Ayon sa PHO, ang lalaki ay positibo sa virus kaya ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Covid19 salalawigan ay nadagdagan ng isa kaya umabot na sa 162.

Nananatiling 141 pa rin ang gumaling na sa sakit samantalang 11 pa ang itinuturing na active Covid19 cases sa Bataan.

Sa tala ng PHO, 227 ang bagong nag-negatibo salaboratory test na  mga health workers at frontliners ang karamihan. Na-test umano agad sila gamit ang bagong  GenExpert PCR machine sa Bataan General Hospital.

Ang bagong nag-negatibo ay kabilang sa 2,647 nanegatibo ang test mula sa kabuuang 2,873 na sumailalim sa pagsusuri sa Covid19 mula pa noong ika-31 ng Enero. Ang naghihintay na lamang ng resulta ay 64, sabi ng PHO.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here