Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 1 patay, 8 bagong kaso

Covid-19 sa Bataan: 1 patay, 8 bagong kaso

662
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Sa pinakahuling ulat ngayong Miyerkules ng provincial health office, naitala na isa ang patay at may walong pasyenteng bagong nagkasakit sa coronavirus disease sa Bataan.

Ayon kay Gov. Albert Garcia, tumaas sa 284 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Covid-19, kabilang ang 59 na aktibong mga kaso, dahil sa pangyayari.

Isang 53taonggulang na lalaki mula sa Dinalupihan ang nasawi kung kaya’t ang bilang ng mga pumanaw na sa lalawigan dahil sa Covid-19 ay umakyat sa 11, sabi ng governor.

Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay tatlo sa Dinalupihan, isa sa Orani, at apat sa Limay.

Ang mga ito ay 29-anyos na babaeng health worker, 37-anyos na lalaki, at 20-anyos na babae mula sa Dinalupihan; 51-anyos na babae mula sa Orani; at 31-anyos na lalaking overseas Filipino worker, 33-anyos na babae, 25-anyos na lalaki at 61-anyos na lalaki, lahat mula sa Limay.

Ayon sa PHO, nananatiling 214 ang bilang ng mga nakarekober. Nasa 198 ang naghihintay ng resulta ng pagsusuri at 6,398 ang nagnegatibo na mula sa 6,880 na sumailalim sa Covid-19 test.

Patuloy ang paalaala ni Garcia na sumunod sa mga safety protocol tulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing, paghuhugas ng kamay, at hindi paglabas ng bahay kung hindi masyadong kinakailangan upang mapigilan ang pagkalat ng mapanganib na virus.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here