Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 1 patay, 44 nakarekober, 11 kumpirmadong kaso

Covid-19 sa Bataan: 1 patay, 44 nakarekober, 11 kumpirmadong kaso

513
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Isa ang pumanaw kaya umabot na sa 55 ang bilang ng mga namatay sa coronavirus disease sa Bataan samantalang 44 naman ang naka-rekober at 11 ang kumpirmadong kaso samapanganib na virus, sabi ni Gov. Albert Garcia nitong Lunes.

Ang bagong nasawi ay isang 57-anyos na lalaki mula sa bayan ng Pilar.

Umakyat na sa 2,596 ang bilang ng mga nakarekober matapos magtala ng 44 na bagong gumaling samantalang tumaas naman sa 2,827 ang mga nagpositibo na sa Covid-19 dahil sa 11 bagong nadagdag.

Ang mga bagong nakarekober ay 14 mula sa Balanga City, 13 sa Orion, siyam sa Mariveles, lima sa Abucay, dalawa sa Orani, at isa sa Hermosa.

Kabilang sa mga bagong gumaling ang walong bata: isang 17araw gulang na babae, 2-anyos at 4-anyos na lalaki na pawang mula sa Orion at 2-anyos, 4-anyos, 6-anyos, 7-anyos at 8-anyos na mga lalaki lahat mula sa Balanga City.

Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay lima mula sa Orani, tatlo sa Mariveles, at tig-iisa sa Abucay, Dinalupihan, at Pilar. Dalawa sa mga ito ay healthworker. Ang pinakamatanda ay 82-anyos na babae at ang pinakabata ay 11-anyos na lalaki.

Dahil mas marami ang bagong gumaling kaysa bagong kaso, bumaba sa 176 ang mga aktibong kaso o mga hindi pa gumagaling sa virus.

Sa 29,577 na na-test sa Covid-19, 26,469 ang nagnegatibo at 281 ang naghihintay pa ng resulta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here