Home Opinion ‘COVID – 19,’ gawa rin ng tao?

‘COVID – 19,’ gawa rin ng tao?

663
0
SHARE

ANG corona virus at itong Chinese lab,
na ninanais ni US President Trump
ipaimbestiga upang makatiyak
kung ito ay galing nga r’yan ‘whether or not’

Itong pandemic na sakit na pumatay
ng ‘thousands of people’ sapol kumalat yan
sa buong daigdig at ang nahawaan
ng sakit na ito nagumpisa Wuhan.

Ang sentro ng China, kung saan ang ‘Research
Laboratory on virus is located,
And where the pathogen was then first detected
Base on secret info that has been discovered.

The announcement Friday has given a new life
To support theories virus was engineered
At said Lab, despite of denials repeated,
Debunking suggestions of the main stream heads.

The facility at the center of rumors
Officially ran by the Wuhan Institute
Of virology possibly, said virus
Can relate to what we can say a careless move.

At sa gitna nga riyan nitong lahat-lahat
ng usap-usapan hinggil sa nabunyag
na laboratoryo, di ba’t maliwanag,
gawa ng ‘Chinese Academy of Science?’

Ang haka-haka riyan na hindi malayong
pasok sa ‘obvious’ na ‘by accident’ mayrung
sa gawaan nila r’yan  ng ‘secret weapons,’
na biochemical, baka may natapon?

At ito ang naging mitsa rin kumbaga
nang sa hindi nga n’yan sinadya talaga,
kumalat ang ‘virus’ na imbensyon nila
at grabeng pinsala itong naging bunga.

Halata na itong kanilang balakin
na kung di makuha n’yan sa unti-unting
pagtapak sa isla, ito ay kukunin
sa pamamaraang tayo ay gyerahin?

At dahil di kalayuan sa China Sea
at iba pang di nadadalaw parati,
yan sa totoo lang ay napakasimple
na nilang masakop ‘in few minutes only’

Una, sanhi nitong kagagawan mismo
ng mga ekspertong nilang syentipiko,
na sila rin naman itong nag-imbento
sa virus na yan na uring pangkomersyo.

Di nalalayo sa suso ang dinala
dito sa atin ng isang taga Asya,
na ito’y pang-ulam, pero salot pala
sa tanim na palay r’yan ng magsasaka.

Pagkat ang naturang suso kinakain
ang ubod ng palay na kanilang tanim,
at ito’y nagawa nga lang na patayin
sa bisa ng isang uring kemikal din.

Kaya nga sa puntong ito di malayo
sa naimbento r’yan na pamatay suso,
na ang antidote sa Covid, ito raw po,
na ayon sa ‘research’ ay galing sa tuko?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here