‘Conversion of 16 municipalities into cities, a grave malpractice’

    407
    0
    SHARE
    Kasi nga, kung itong kapisanan mandin
    Ng ating ‘Lieague of Cities of the Philippines’
    Ay namimiligrong di mabigyang pansin
    Ang ‘legal stand’ niyan hinggil sa usaping

    Itong labing anim na munisipalidad
    Na tinutulan nilang maging siyudad
    Ay balewalain ng SC ang lahat
    At ang huling hatol ang maipatupad.

    Pagkat tunay namang di karapat-dapat
    Upang ang isa ma’y ganap maging siyudad,
    Bunsod na rin nitong kulang nga sa lahat
    Ng kuwalipikasyon o kriteryang dapat

    Masunod upang ang kanilang hangarin
    Ay di tutulan at tuwirang harangin
    Ng ating ‘League of Cities of the Philippines’
    Saan man posibleng ito’y makarating.

    Sa kadahilanang ‘unconstitutional’
    Ang naging desisyon ng ‘highest tribunal’
    Kung saan sa unang tingin ay garapal
    At maituturing din namang ‘immoral’

    Ang ‘justice system’ na ginawang batayan
    Nitong magagaling na mahistrado riyan
    Na bumoto pabor sa kahilingan niyan
    Gayong di pasok sa tamang panuntunan.

    Pupuede nga po ba namang maging siyudad
    Ang alin mang bayan at/o komunidad
    Na ni isa man yatang kalsadang patag
    Sa kanilang lugar di mo mahapuhap?

    At ang mamamayan nito ay wala pang
    Beinte mil pati na di pa naisisilang?
    Bukod pa rito sa ang ‘annual income’ niyan
    Ay baka wala pang limang milyon man lang?

    Sa madaling sabi, saan mang anggulo
    Natin pakatingnan ang naturang isyu,
    Yan ay marapat na labanan ng husto
    Ng ‘Leage of Cities’ at (kasama na tayo)

    Pagkat sa isang banda’y di makabubuti
    Para sa lahat ang naging hatol pati
    Ng Korte Suprema sa isyung nasabi,
    Partikular na sa apektadong ‘city’

    Gaya na lang sa ‘City of San Fernando’
    Na mababawasan ang IRA ng husto;
    Pagkat ang badyet na ilang bilyong piso
    Para sa lahat ng lungsod apektado.

    At suma total ay damay pati lahat
    Na ng alokasyon at iba pang dapat
    Mabigyang ‘financial support’ nitong siyudad,
    Partikular na riyan ang pang-kalamidad.

    At tulong pinansyal sa nakararami,
    Partikular na sa mga estudyante,
    At kung saan posibleng ma-‘lay off’ pati
    Ang iba,  dulot ng ganyang pangyayari.

    Bukod sa posibleng maging ‘jurisprudence’
    Ang bagay na ito sa ‘ting ‘justice system’
    At ‘social life’ pati ang ‘undue influence’
    Na maidudulot ‘at our own expense’.

    Kaya, sa puntong yan ay marapat lamang
    Na tutulan natin itong naka-ambang
    Pagpapatupad d’yan ng ‘Highest Tribunal’
    Sa pabago-bago nitong kahatulan

    Pagkat baka bukas, makalawa’y di lang
    Ganyan kagrabe ang magiging hantungan
    Ng ‘justice system’ sa ating Inang Bayan,
    Na tuwirang masasabing BALIGTARAN!!!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here