Container yard, ipinasara ng DENR

    327
    0
    SHARE
    PLARIDEL, Bulacan — Ipinasara ng Environment Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources Region 3 ang isang container yard sa Barangay Bulihan dito.

    Ang closure order ay inihain nitong Lunes matapos makitaan ng paglabag sa environmental compliance certificate ang Interpacific Highway Transport Corporation (IHTC).

    Naglabas ang EMB ng cease and desist order para sa tatlong container yards at inatasan ng pitong araw para bakantehin ang naturang lugar.

    Maging ang gas station sa loob ng compound ay kasama din na ipinahinto ng DENR. Ayon sa dokumento, lumabag sa mga kundesyones na nakapaloob sa ECC ang IHTC.

    Una dito ay nagsampa ng reklamo ang mga residente ng Barangay Bulihan sa DENR dahil sa anila’y peligro ng mga dumaraan doon na mga truck na may dalang malalaking container.

    Nagsagawa pa ng prayer vigil ang Holy Angel Parish at mga residente habang inihahain ang order.

    Hawak ang kanilang mga placards at streamers ay binigyang diin ng mga residente ang atas ng DENR para sa agarang paglikas ng IHTC at itigil na ang paggamit nito.

    Ayon kay Fr. Rico Trinidad, parish priest, nasa 224 araw na ang nakakaraan na unang lumabas ang cease and desist order ng DENR noong April 12, 2017 nguni’t hindi tumatalima ang IHTC.

    Lubhang napakadelikado daw para sa mga residente ang operasyon ng IHTC.

    Samantalang sa panig naman ng IHTC, kahit hindi umano naglabas ng panibagong cease and desist order ang DENR ay tumigil na naman sila sa operasyon.

    Bago pa man ang atas ay unti-unti na umano nilang tinatanggal ang mga containers doon at hanggang sa katapusan na lamang sila doon ng Nobyembre dahil naibenta na rin ang lupa na kanilang inookupahan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here