Home Headlines Container van isolation room sa PUI, PUM

Container van isolation room sa PUI, PUM

1090
0
SHARE

BAYAN NG BALIWAG —- Ginawang modified isolation room ang mga container van ng isang grupo para makatulong na matugunan ang kakulangan ng mapaglalagakan ng mga Covid-19 suspected patients.

Ayon kay Eduardo Trajano, pangulo ng Rotary Club Baliwag Uptown, naisip nila na gawing isolation room ang mga container van dahil batid nila ang kakulangan ng mapaglalagakan ng mga PUIs at PUMs dahil sa pandemic.

Ipinaliwanag niya na ang isang container van ay may 10-bed capacity na mabilis na magagamit para sa mga Covid-19 patients.

Bukod sa mga kwarto ng pasyente ay dinisenyo din ito na may sariling comfort room, disinfection area ng medical personnel, at air filtration.

Sa katunayan ay inirekomenda na nila ito sa mga LGU sa Bulacan para agad na matugunan ang isolation ng mga suspected coronavirus patients.

Aniya, praktikal naman na gawin na isolation room ang container van dahil bukod sa mabilis itong mai-convert ay mas mababa ang halaga ng magagastos sa konstruksyon nito kumpara kung magpapatayo pa ng gusali sa panahon na nahaharap na ang bansa sa krisis.

Aniya, tinatayang nasa P900,000 ang halaga para maiconvert ang isang isolation room mula sa container van.

Bukod sa Covid-19 ay maari din aniyang gamitin ito na pang isolate sa iba pang nakakahawang sakit gaya ng tuberculosis.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here