Home Headlines CONFLICT OF INTEREST? Labor attaché ang anak ng Candaba mayor na tinukoy...

CONFLICT OF INTEREST? Labor attaché ang anak ng Candaba mayor na tinukoy ni Lacson sa expose

248
0
SHARE

LUNGSOD NG SAN FERNANDO – Sa Part 2 ng kanyang privilege speech nitong Sept. 9, pinangalanan ni Sen. Ping Lacson ang isang kumpanyang aniya’y sabwatan ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways at ng mayor ng Candaba, Pampanga.

Ang kumpanyang tinukoy ni Lacson ay ang MBB Global Properties Corp., may-ari ng Wyndham Garden Hotel sa Clark Freeport na nag-groundbreaking noong June 2024.

Ayon sa general information sheet ng MBB Global noong 2024, ang mga company executives ay sina Macy Monique Maglanque, president; Sunshine Bernardo, corporate secretary; at Fatima Gay B. (Bonoan) Dela Cruz, treasurer.

Ayon kay Lacson, sila ay mga anak nina Mayor Rene Maglanque, dating Works Undersecretary Roberto Bernardo, at dating Secretary Manuel Bonoan ng DPWH.

“MBB stands for Maglanque, Bernardo, and Bonoan… I’ll let you connect the dots,” sabi pa ni Lacson.

Susog sa mungkahi ni Lacson, isang Candaba netizen ang nagpadala ng kanyang nakalap tungkol sa anak ng kanilang mayor at ibinahagi sa Punto!

Lumalabas na si Macy Monique Maglanque ay labor attaché sa Department of Migrant Workers, gaya ng nakasaad sa isang post ng Philippine Consulate General sa Honolulu, Hawaii.

Sa mismong official page ng Municipality of Candaba ay nakasaad din ang kanyang pagiging anak ni Mayor Maglanque.

Tanong ngayon: Conflict of Interest bang matatawag ang pagiging presidente ng isang pribadong kumpanya ni Macy Maglanque na isa ring labor attaché?

Tatlong mga batas ang nakatuon dito:

Una, RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) – Ipinagbabawal ang pagkakaroon ng tuwiran o di-tuwirang interes sa kontrata o transaksyon ng gobyerno.

Pangalawa, RA 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees) – Bawal sa opisyal ng gobyerno na magkaroon ng interes sa negosyo na may kontrata sa gobyerno.

Pangatlo, RA 9184 (Government Procurement Reform Act) – Diskwalipikado ang mga kumpanyang may kaugnayan sa opisyal na maaaring makaapekto sa proseso ng bidding. Punto I-Team/FB photo grabs

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here