Home Headlines Comelec, PNP nagsimula na ng election checkpoint

Comelec, PNP nagsimula na ng election checkpoint

579
0
SHARE
Nagsimula na ang pagpapatupad ng mga checkpoint para sa implementasyon ng election gun ban. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG SAN FERNANDO — Nagsagawa ng malawakang checkpoint ang Commission on Elections at Police Regional Office 3 sa mga pangunahing lugar sa rehiyon sa pagsisimula ng gun ban kaugnay ng nalalapit na sanguniang kabataan at barangay elections.

Umikot at ininspeksyon nina PRO-3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr. at ni Comelec-3 director Atty. Temie Lambino, ang mga nakakalat na kapulisan sa mga pangunahing kalsada para sa simultaneous checkpoint sa buong rehiyon na nagsimula pagpatak ng alas-12 ng hatinggabi nitong August 28.

Ayon kay Hidalgo, nasa 146 na Comelec simultaneous checkpoint ang isinagawa sa buong Region 3 na binubuo ng 1,177 na kapulisan.

Aniya, bukod sa PNP ay katulong din nila ang kagawad ng Bureau of Fire Protection at Philippine Cost Guard sa nasabing mga checkpoint na magtutuloy hanggang sa matapos ang election period.

Ayon pa kay Hidalgo, ang mga mahuhuling lalabag sa election gun ban ay mahaharap sa kaukulang kaso.

Dagdag pa niya, 24/7 ang gagawing checkpoint para masiguro na magiging maayos at mapayapa ang darating na halalan.

Paalala naman ni Atty. Elmo Duque, spokesperson ng Comelec-3 na mula September 3 hanggang October 18 ay mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya ng mga kandidato at ipapatupad na ang liquior ban sa October 30 hanggang 31.

Paliwanag naman niya na maaring gamitin ang social media sa panahon ng pangangampanya pero kinakailangan muna ng permit mula sa Comelec.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here