MALOLOS CITY—Muntik nang maabo ang tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa bayan ng Obando matapos sunugin ito ng dalawang hindi nakilalang lalaki noong Lunes ng gabi.
Kaugnay nito, tiniyak ng panglalawigang tanggapan ng Comelec na walang epekto ito sa halalan sa Mayo dahil may mga kopya sila ng nasunog at nabasang dokumento tulad ng certified voters list (CVL), voters registration report (VRR), at mga sample ballots para sa isasagawang mock elections.
Ayon kay Supt. Absalom Zipagan, provincial fire marshal ng Bulacan, nagsimula ang sunog bandang alas 11:15 nong Lunes ng gabi at naapula nila ito makalipas ang 30 minuto.
Tinatayang aabot lamang sa P5,000 ang halaga ng nasunog, ngunit nadamay ang mga kopya ng CVL, VRR, at mga sample ballots.
Ayon kay Senior Supt. Fernando Villanueva, acting provincial police director ng Bulacan, dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na nakasakay sa isang motorsiklo ang nagsimula ng sunog.
Sinabi niya na pagkababa sa motorsiklo, sinindihan ng dalawa suspek ang pinto ng tanggapan gamit ang lighter fluid, pagkatapos ay agad na tunalilis.
Iginiit naman si Abogado Sabino Mejarito, ang election supervisor sa lalawigan na walang epekto sa darating na halalan ang insidente.
Tiniyak niya na na magiging maayos ang halalan sa Obando sa kabila ng sunog dahil may mga kopya sila ng mga nasunog at nabasang dokumentong gagamitin sa halalan.
Inayunan naman ito ni Edwin Santos, isa sa mga kandidatong alkalde ng Obando na nagsabing mayroon din silang kopya ng CVL.
Dahil dito, nanawagan siya sa mga botante ng Obando na makipag-ugnayan sa kanilang mga campaign headquarters upang makita at makumpirma kung saang presinto sila boboto sa halalan.
Nagpahayag din si Santos at mga residente ng Obando na isang talunang kandidato ang nasa likod ng sunog dahil sa pagtatangka nito na masabotahe ang halalan sa nasabing bayan.
Sa kasalukuyan , si Santos aya ng nangungunang kandidato bilang alkalde sa Obando.