MALOLOS—Nakatali ang mga kamay ng Commission on Elections (Comelec) kaya’t hindi madiskwalipika ang mga kandidatong lumalabag sa batas.
Ayon kay Atty. Sabino Mejarito, ang pinuno sa panglalawigang tanggapan ng Comelec sa Bulacan, hindi nila basta makakasuhan ang mga kandidatong lumabag sa batas partikular na ang mga nagsabit ng mga poster na labas sa common poster area.
“Kailangang may magsampa ng kaso laban sa kanila,” ani Mejarito.
Ang isyu ng pagsasampa ng kaso ay lumutang dahil na rin sa nagkalat sa mga poste, pader at maging sa mga punong kahoy sa mga pangunahing lansangan sa lalawigan ang mga poster ng kandidato sa pambansa at lokal na posisyon.
Ang paglalagay ng mga poster na labas sa common poster area ay labag sa panuntunan ng Comelec na nagsasaad na may tamang lugar para sa mga poster.
Ayon kay Mejarito, responsibilidad ng mga kandidato at mga tauhan nito ang pagtatanggal sa mga nasabing poster, ngunit isa man sa mga ito ay walang kumikilos.
Iginiit pa niya na isang batayan ang paglabag sa batas ng common poster area para idiskwalipika ang sinumang kandidatong lumabag.
Ngunit lumalabas na nakatali ang kamay ng Comelec hinggil dito dahil wala pa silang kandidatong diniskwalipika dahil sa ilegal poster.
Ayon kay Mejarito, dapat ay mayrooong magsampa ng kaso laban sa mga kandidatong lumabag sa batas.
Kabilang sa puwedeng magsampa ng kaso ay mga botante o kalabang kandidato.
Ngunit, walang kandidato ang nagsasampa ng kaso laban sa kanilang kapwa kandidato dahil sa lahat sila ay lumalabag umano sa batas.
Gayunpaman, sinabi ni Mejarito na nag-iipon din sila ng mga ebidensya laban sa mga kandidatong lumabag upang sampahan ito ng kaso ng Comelec law department.
Matatandaan na noong Biyernes at nitong Lunes ay nagsagawa ng operation baklas ang Comelec sa mga pangunahing lansangan sa Bulacan.
Tinanggal nila ang mga illegal posters, ngunit kasisimula pa lang nila ay may mga naglalagay na naman ng posters.