Home Headlines Comelec nag-TRO sa election protest

Comelec nag-TRO sa election protest

1340
0
SHARE

JAEN, Nueva Ecija – Ipinatigil ng Commission on Election ang proseso sa election protest na inihain ni dating Mayor Antonio Prospero Esquivel laban sa nakaupong alkalde, Mayor Sylvia Austria.

Batay sa temporary restraining order ng Comelec 2nd Division na nilagdaan nina Presiding Commissioner Socorro B. Inting at Commissioner-Senior Member Antonio T. Kho, Jr., nitong Oct. 6, pinipigilan nito ang Regional Trial Court Branch 87, Gapan City, mula sa implementasyon ng isang order at isang resolusyon na inisyu nito.

“In the interest of justice and so as not to render the issues raised as moot and academic and the proceedings before the Commission a useless exercise, the Commission (Second Division) issues a Temporary Restraining Order, effective immediately and for a period of sixty (60) days, enjoining public respondent Hon. Angelo C. Perez, designated judge, Regional Trial Court Branch 87, Gapan City, and all persons under his direct supervision, to cease and desist from enforcing, implementing or continuing to enforce or implement the: 1) Order dated August 7, 2020, and 2) Resolution dated August 25,2020, relative to Election Case No. 36-19,” utos ng Comelec. 

Noong Aug. 25, 2020 ay naglabas ng resolusyon ang korte na nag-denied sa pagkuwestiyon ni Austria sa pagpapatuloy ng “post revision determination of the legitimacy of the election protest.” Ayon dito, walang bagong isyu na inihain sa motion for reconsideration ni Austria.

Inatasan rin nito ang public respondent na panatilihin ang status quo bago ang pagpapalabas ng kinukuwestiyong order at resolusyon.

Si Esquivel naman ay binigyan ng hindi mapalalawig na sampung araw pagkatanggap ng TRO upang magsumite ng kanyang sagot.

Ang TRO ay inisyu ng Comelec Second Division kaugnay ng petisyon ni Austria laban kina Perez, bilang designated judge ng RTC87, at Esquivel. 

Itinakda ng Comelec ang pagdinig sa Oct. 29, sa paraang naayon sa Comelec Resolution No. 10673 (Guidelines on Electronic Filing, Conduct of Hearings, Investigations/ Inquiries via Video Conference, and Service).

Sa isang mensahe sa kanyang mga kababayan ay sinabi ni Austria na nananatili siyang nakaupo at patuloy sa pagganap ng kanyang tungkulin.

“Patuloy  po akong magseserbisyo hanggang matapos ang aking termino at hanggang gusto niyo,” pahayag ng alkalde.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here