“Pero minsan, naniniwala kasi ako na minsan, ’yung inaakala nating hindi bagay, ’yun pala ay meant para sa atin. Kahit sa real life, may love stories na hindi sila bagay sa isa’t isa. Pero sila pala ang meant para sa isa’t isa.
“I guess the project talaga fell into place sa lahat. ’Yung si Coco, ako, nagkatrabaho. Tapos, perfect timing din ’yung kay Direk Tonette. Talagang I feel this is the best combination para sa amin,” pahayag ni Toni sa presscon ng movie.
Para kay Toni, organic raw ang dating ng akting sa kanya ni Coco. Mas gusto kasi niya makapareha ’yung maging authentic ang leading man.
“Authenticity at ’yung pagiging genuine ang hinahanap ko sa isang leading man. Kasi in this day and age, mahirap nang maghanap ng ganoon eh. ’Yung buo ang core niya.
“’Yung hindi molded na hindi siya mediocre. ’Pag nakita ko ’yung authenticity na ’yon, ’yun ang inaalagaan ko buong shooting. Doon ako kumakapit sa pag-portray niya sa buong shooting,” katwiran ng host-actress.
Para kay Toni, ang pakikipagtrabaho kay Coco ay bagong experience na hindi niya makakalimutan.
“Iba ’yung kay Coco. Sabi ko nga nu’ng nag-taping kami sa GGV (Gandang Gabi Vice), ’yung leading man na mas maraming beses na nakakausap ko off-cam. ’Yung iba kong naging leading man, ’pag off-cam, hindi ko sila masyadong nakakausap.
“Kasi gusto kong mag-internalize doon sa character ko. Si Coco, ang daldal naming dalawa! Lagi kaming usap nang usap! Nakakatuwa siyang kausap kasi totoo lang siya. Natural lang siya. Wala siyang pretensions.
Wala siyang inhibitions.
“’Yung pag-uusap namin, tungkol sa buhay. Tungkol sa trabaho! Sa pamilya. Talagang dire-diretso lang!” rason pa niya.
Lalabas nga ang pagiging komedyante ni Coco sa movie. Inalis sa kanya ’yung mga kargado agad ng emosyon ang mukha kapag kinukunan ng kamera.
“Nakaka-anim na takes yata ako! Ha! Ha! Ha! Nu’ng una, sobrang hiyang-hiya ako kay Toni. Toni Gonzaga siya. Iniisip ko, hindi ako puwedeng magkamali. Baka mamaya husgahan ako sa pag-deliver ko ng lines.
Mali-mali ’yung pagpu-pronounce ko ng English na lines.
“Pero ang sabi ko, ang ikinaganda noon, hindi ko nakita kay Toni ’yon. Sabi ko nga, siyempre, artista ako. Baka mamaya, husgahan niya ako. Baka mamaya, ganito pala ito. Ganito pala ito ka-jolog!
“Hindi ko naramdaman ’yon kay Toni. Para kaming… Ilang days pa lang kaming magkatrabaho pero alam mo ’yung ang gaan-gaan agad ng loob ko sa kanya. Nakita ko ’yung… Alam mo hindi niya ako tinitingnan kung ano ako. Tinitingnan niya ako bilang actor. Bilang tao. Hindi artista lang.
“Sabi ko nga, ’yung pagiging genuine niya, ni Toni, bilang artista, ang taas ng tingin ko kay Toni bilang artista. Mabait siya. Matalino. Baka mamaya, huhusgahan niya ako.
“Pero willing siyang makipag-collaborate. ’Yung tao ako. Hindi ako artista. Natutuwa ako pero bakit ngayon lang kami nagsasama. Pero dahil alam kong magaling siyang artista, magkakaroon kami ng chemistry dahil tatrabahuhin niya ako!” paliwanag naman ni Coco.