Coco Martin tinotoo ni Angeline Quinto

    308
    0
    SHARE

    Natatawa si Coco Martin nang aminin niyang tinotoo raw ng leading lady niyang si Angeline Quinto ang eksena nila sa Born To Love You kung saan ay sinasampal siya nito.

    Reklamo ng aktor, masakit daw ang mga sampal ni Angeline.

    “Sobra! Mabigat ang kamay niya, eh,” natatawa niyang sabi.

    “Hindi naman ako nagreklamo. Pero dumating na ‘yung time na sa kasasampal niya sa akin, kahit hindi ako dapat umilag, umiilag na ang mukha ko. Ayun, eh, kailangan lang tiisin.”

    Pero dahil sa pelikula raw nilang ito ay mas lalo silang naging close ni Angeline at mas nakilala raw niya nang husto ang singer. Marami raw silang masasayang moments off cam.

    “Kasi si Angeline, kahit sa totoong buhay, ganyan siya kakulit, eh. Talagang napapatawa niya ako nang sobra.”

    Anu-ano ang mga qualities na gusto niya kay Angeline?

    “Unang-una, dahil sobra siyang mapagmahal sa pamilya niya. Tapos, mahilig siyang magsimba, eh. Pareho kami, nagsisimba palagi sa Quiapo.

    “Marunong din siya sa buhay. Napakaraming good qualities ni Angge (tawag niya kay Angeline),” papuri ni Coco sa leading lady.

    ’Yun nga lang puro smile lang ang sagot ng aktor kapag tinatanong kung mapupunta ba ang closeness nila sa isang relasyon.

    “Kasi, ’yun nga ang sinasabi ko, medyo busy sa trabaho talaga. Kasi, almost everyday talaga akong nagtatrabaho. And depende na lang kung saan makakarating.

    “Darating at darating din naman ’yan (ang love). Pero sabi ko nga, ayokong aksayahin ang mga pagkakataong ibinibigay sa akin. Kasi, kung baga, maganda ang mga blessings na ipinagkakaloob sa akin ngayon, gina-grab ko lang po,” sey pa ni Coco.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here