Coco Martin di raw magkatotoong bubuntisin niya si Kris Aquino

    369
    0
    SHARE

    Naging isyu ‘yung hula na mabubuntis ni Coco Martin si Kris Aquino. Sa presscon ng bago niyang serye na ‘Walang Hanggan’  na magsisimula sa January 16 sa ABS-CBN 2 ay inurirat si Coco kung ano ang reaksyon niya sa sinabi ni Kris na maghanda siya.

    Nagbibiro lang daw si  Kris na kung tawagin niya ay Ate.

    “Ang tingin nga ng pamilya niya sa akin ay kapamilya na. Aabot pa ba kami doon? Kumbaga sobra ang respeto ko sa tao at sa pamilya niya. Sa tingin ko di mangyayari ang ganoon.

    “Napakalaking imposible. Respeto na lang po kasi ang tingin ko sa kanila ay pamilya. Sa akin walang dahilan para matakot, bakit naman? Kumbaga pare-pareho lang tayo, pero ayaw kong masira ang tiwala niya at tiwala niya ng pamilya niya sa akin na sasamantalahin ang oportunidad o pagkakataon,” deklara pa niya.

    Pero naniniwala siya na walang pinipili sa pag-ibig kahit bata ka o matanda dahil sa agwat ng edad nila ni Kris.

    Anyway, excited siya sa bago niyang serye na  ‘Walang Hanggan’ kung saan ay malalaking artista ang kasama niya  gaya nina Richard Gomez, Dawn Zulueta, Susan Roces, Helen Gamboa at unang pagtatambal nila ni Julia Montes.

    First time ni Coco na gumawa ng purong love story.

     ”Bagong challenge ito para sa akin kaya naghanda ako. Nanood ako nang nanood ng mga love story movies. Abangan n’yo kami dahil talagang ma-i-in love kayo,” aniya.

    “Kasi ‘di ba ‘yung mga last na soaps ko medyo kontrabida, barilan, heavy drama. Ito, this time, susubukan ko naman magpa-in-love,” dagdag pa niya.

    Bubuo sa ‘powerhouse cast’ ang mga mahuhusay na artistang sina Rita Avila, Melissa Ricks, Joem Bascon, at Paulo Avelino; kasama pa sina Eddie Gutierrez at Joel Torre sa kanilang natatanging pagganap. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Jerry Lopez Sineneng at Trina Dayrit.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here