LUNGSOD NG MALOLOS—Hindi pa rin makapagsagawa ng cloud seeding sa Central Luzon dahil sa kawalan ng makapal na ulap, ayon sa Department of Agriculture (DA) sa rehiyon.
Bukod dito, sinabi ng DA nag-iingat din sila sa pagsasagawa ng cloud seeding dahil baka sa halip na makatulong ay makasira pa ito sa mga pananim.
Ayon kay Dr. Redentor Gatus, direktor ng DA sa rehiyon, nakahanda na ang pondong P3-M para cloud seeding maging ang gagamiting eroplano at asin na nasa paliparan na sa bayan ng Plaridel, Bulacan.
Ngunit hindi nila masimulan ang pagsasagawa ng cloud seeding operations dahil sa kawalan ng makapal na ulap.
“Stand-by lahat pati yung spotter, dahil walang ulap,” ani Gatus.
Ang cloud seeding ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasaboy ng pinong asin sa makapal na ulap sa himapapawid upang makalikha ng ulan na didilig sa tigang na kabukiran o kaya ay makapagpapadagdag ng tubig sa mga dam.
“Kailangang matiyak na sa watershed babagsak ang ulan, dahil baka sa halip na makatulong ay makasira pa ang cloud seeding,” ani Gatus.
Ipinaliwanag niya na ang mga tanim na sibuyas, pakwan at maging ang mga namumungang mangga ay maaring masira sa biglang pag-ulan.
Para naman sa mga magsasaka sa Bulacan na ngayon ay natutuyo ang bukirin, ang pagsasagawa ng cloud seeding ang isa sa inaasahan nilang solusyon sa problemang hatid ng El Niño.
“Sana kahit konting ulan lang ay magkaroon para madiligan ang natutuyong bukirin,” anila.
Iginiit naman ni Gatus na wala silang nakikitang ulan hanggang sa buwan ng Abril.
Sinabi niya na “kailangan na natin ng divine intervention para umulan.”
Dahil dito, ipinayo niya sa mga magsasaka na bukod sa pag-asam sa pagdating ng ulan ay kailangan na rin nilang sabayan ng pagdadasal.