Home Opinion ‘Clark should be renamed after our very own hero’

‘Clark should be renamed after our very own hero’

545
0
SHARE

TINGNAN mo naman kung gaano katuso
ang administrasyon ng batang Aquino
hinggil sa DMIA kung bakit di ito
kay DM tuluyang naipangalan mismo.

Gayong kinilala na sa katawagang
Diosdado Macapagal International
Airport ang naturang ngayo’y paliparang
pangdaigdig dito sa ‘ting lalawigan.

Bakit mas ginusto pa niyang di hamak
na i-’retain’ ito sa katawagang Clark
kaysa naging pangulo ng Pilipinas
dapat isunod ang karampatang tawag.

Sino itong Harold Clark na pinagkunan
ng katawagang Clark Field, na nirentahan
lamang sa atin ng angkan ni ‘Uncle Sam’
bilang isang kampo o base militar?

Tapos na’ng kanilang pag-renta sa ‘tin
bakit payagan pa nating manatiling
nakapangalan ang pag-aari natin
sa isang dayuhan kung pakaisipin?

Pulitika lang at posible rin namang
personal interes ni PNoy ang siyang
nangibabaw, kundi pati buong angkang
Aquino’t Cojuangco ay may kinalaman.

Eh, bakit nga hindi natin masasabi
na ‘self interest’ ng dating ‘first family’
itong sa takbo ng mga pangyayari
kung pakalimiin nga nating mabuti?

Hindi lang marahil naisagawa kaagad
na ipalit ang ngalan ni Cory sa Clark,
dahilan na rin sa di naging maagap
ang kung sinong inatasang magpatupad.

Pero ayon sa naikuwento sa akin
nitong sa CDC naging opisyal din,
si sec Mar Roxas ang sa kanya nagsabing
ang DMIA dapat umanong alisin;

At CAIA na aniya ang dapat itawag.
sunod sa pangalan ng Ina, ang balak
ni PNoy base sa naging pag-uusap
nila ng ‘cabinet sec’ niyang si Roxas.

Kaya nang bumalik sa Clark itong ‘tuta’
ni PNoy, kung saan ay di pa nagawa
ni Mar ang bilin niya, inulit karaka
(ng dating Pangulo) ang pinagagawa.

Subalit dahil sa kakulangan na rin
ng ‘material time’ ay di nagawang tupdin
ng huli ang utos na dapat tanggalin
ang DMIA – at CAIA itong ipaskil?

Hindi pa ba sapat na ang dating MIA
ay kay Ninoy ito naipangalan na?
Bakit pati itong para sa Pampanga,
ninanais din na mapa’ sa kanila?

Kundi man maaring ito’y ipangalan
kay dating Pangulong Dadong Macapagal,
marami pa tayong mga bayani riyan
na marapat ibantayog sa pedestal.

Tayo ay mayroong Jose Abad Santos
at ibang kabalen nating naging bantog
(sa kabayanihan), na puedeng isunod
ang tawag na JASIA, in lieu of Clark, (Harold)!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here