Home Headlines Clark medical frontliners pinahiram ng bisikleta

Clark medical frontliners pinahiram ng bisikleta

890
0
SHARE

Ang ilang medical frontliners sa Clark na napahiram ng bisikleta para sa kanilang pagpasok at paguwi. Kuha ni Rommel Ramos



CLARK
FREEPORT — Sa gitna ng pandemya ay isang grupo ng bike enthusiast ang nagmagandang loob na nagpahiram ng kanilang mga bisikleta sa ilang medical frontliners dito.

Ang mga bisikleta ay nagagamit para sa obserbasyon ng social distancing at transportasyon papasok at pauwi mula sa trabaho ng mga medical frontliner sa gitna ng community quarantine.

Ang Cabalen Bikers sa pangunguna ni Roi Nunag ay nagpahiram ng 25 mga bisikleta para sa mga frontliners.

Kung sakaling may manghiram pa sa kanila ng bisikleta ay magpapaunlak pa rin daw Cabalen Bikers, dagdag pa niya.

Para kay Lilet Roncal na isang nurse, malaking bagay sa kanila na may nagpahiram sa kanila ng bike na naging mode of transport nila papasok ng trabaho.

 

Nasa 15 minuto ang kaniyang pagbibisekleta papasok at pauwi mula sa kaniyang pinapasukang pagamutan.

Malaking pasasalamat niya sa grupo sa tulong na ibinigay sa kanila dahil wala silang masasakyan o walang pampublikong sasakyan na bumibiyahe.

Bukod sa mga medical workers ay maging ang ilang gasoline boy ay napahiram din nila ng mga biskleta.

Nanawagan naman si Loy Sagun ng Cabalen Bikers, na kung sakaling magkakaroon ng bike lane sa mga pangunahing kalsada ay pawang ang mga nagbibisikleta lamang ang gagamit nito at walang ibang sasakyan gaya ng motorsiklo upang maiwasan ang mga aksidente.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here