CJ Sereno, palaban?

    417
    0
    SHARE

    KUNG SA kabila r’yan ng kinakaharap
    na kaso ni CJ Sereno, ang tigas
    pa rin ng moral niya at ganting pahayag
    laban sa lahat ng mga nagtutulak
    na mapatalsik siya ‘as executive judge’
    sa ‘highest tribunal’ ay medyo mabigat.

    At ang resbak niyang kumbaga’y may himig
    patutsada sa ‘house committee on justice,’
    na kakikitaan ng mga parunggit,
    kundi man marahil ng paghihimagsik
    dala na rin ng akalang panggigipit
    ng Malakanyang ay marapat ituwid.

    Dahilan na rin sa ang Administrayon
    o ang ating mahal na Pangulong Digong
    ay di nga siya ang kumbaga ay ‘author’
    ng kasong ‘impeachment’ na isinusulong
    laban kay Sereno, kundi itong ngayon
    ay ‘lawmakers’ nating sa kanya’y di pabor

    Na manatili siya sa kasalukuyang
    hawak na posisyon, sa kabila riyan
    ng di pagsunod sa kalakarang legal;
    gaya nitong hindi pagsumite nga n’yan
    ng SALN at iba pang pangangailangan
    bago makaupo, sa puestong naturan.

    Partikular na nga ang nakatataas
    na mga opisyal, ‘judicial’ at lahat
    na ng ‘chief of offi ce’ para maging ligtas
    ang anumang ‘assets’ at salaping hawak,
    sa ‘inquiry’ at/o posibleng pag-ungkat
    nitong kahit sino pa mang otoridad;

    Sanhi na rin nitong mas nakararami
    itong opisyal na ‘within 1 year to 3’
    nagiging ‘millionaire’ sa madaling sabi;
    kung kaya nga’t para di lalong dumami
    ang ‘corrupt’ at mga magnanakaw pati,
    isinabatas ang bagay na nasabi.

    Upang kahit sino pa manding opisyal,
    (ke’ mga ‘appointees’ at/o kaya halal)
    puedeng makastigo sa paraang legal,
    kasama pati na ang nasa ‘judicial
    at alin mang sangay na pamahalaan.

    At obligado r’yan ang lahat-lahat na
    pati ang Pangulo sa nararapat na
    magsumite nitong mga SALN nila,
    (sa COA?) O alin pa mang opisina
    ng ating gobyerno kailangang pumunta
    para maging ligtas sila sa aberya.

    At maiwasan ang sila ay makwestyon
    ng ating BIR kapag nagkataon
    na di nagsumite ang kahit na sinong
    naitalaga sa anumang posisyon,
    ng kanilang ‘assets,( earnings, receivables’
    at ‘payables’ yata) sa tamang panahon.

    Kung saan kaya nga’t ang ating ‘chief justice’
    sa puntong naturan ay nagpupumilit
    makawala para hindi siya ma-impeach
    o masipa ng ‘House of Representatives’.
    Aywan kung kaya pa niyang masagip
    ang sarili para di siya mapatalsik.

    At dahil lalabas siyang kahiya-hiya
    ‘in public’ sakali’t matalo, di kaya
    mas makabubuting ang dapat magawa
    para sa sarili gawin niya nang kusa?;
    Isa, sa dapat patunayan sa madla,
    malinis siya’t walang dapat ikahiya!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here