Malawakan ang ginagawang pag-disinfect sa mga establisimiyento sa Olongapo. Kuha ni Johnny R. Reblando.
OLONGAPO CITY — Minabuti ni City Mayor Rolen Paulino, Jr. na gawin nang regular tuwing araw ng Sabado at Linggo ang citywide disinfection hanggang sa matapos ang umiiral na enhanced community quarantine sa Mayo 15.
Nabatid sa ipinalabas na kautusan ng PangulongDuterte na hindi napasama ang Olongapo City at Zambales sa mga lugar kunga saan paiiralin ang general community quarantine.
Nagsimula noong April 19, 25, at 26 ang gingaawang citywide disinfection na sumasakop sa 17 barangay ng siyudad.
Dahil dito sarado ang lahat ng establisiyemento maliban sa botika at hospital at hindi rin pinapayagan lumabas ng bahay ang mga residente na wala namang mahalagang bagay na gagawin sa labas ng bahaymaliban na lamang kung ang mga ito ay bibili ng gamot.
Kaugnay nito, batay sa talaan ng city task force on Covid–19, siyam ang confirmed cases at lima ang naka-recover.