Home Headlines City hall lockdown dahil sa 4 kaso ng Covid-19

City hall lockdown dahil sa 4 kaso ng Covid-19

742
0
SHARE

SCIENCE CITY OF MUÑOZ – Tatagal ng hanggang ika-3 ng Nobyembre ang umiiral ngayong lockdown sa city hall dito upang maiwasan ang paglaganap ng coronavirus disease.

Batay  sa Executive Order No. 29 ni Mayor Nestor Alvarez, ipinatupad ang “modified special concern lockdown” mula ika-20 ng Oktubre hanggang ika-3 ng Nobyembre alinsunod sa rekomendasyon ng local inter-agency task force.

Noon daw kasing Oct. 19 ay apat ang naitalang aktibong kaso ng Covid-19 mula sa hanay ng mga kawani ng pamahalaang lokal.

“Whereas, there is still a threat of Covid-19 coming into the city is still great despite the measures being implemented, with the call for stricter enforcement of said measures to prevent the spread of the virus,” paliwanag sa EO.

Sa pag-iral ng modified special concern lockdown, saad pa nito, ay suspindido ang operasyon ng lahat ng tanggapan sa city hall compound upang bigyang-daan ang disinfection activities.

Binabawalan din lahat ng kawani sa pakikihalubilo at sa halip ay pinasasailalim sa strict home quarantine para mabatid kung sila ay may sintomas samantalang lahat ng kawani na nasa frontline o nagkaroon ng contact sa positibong Covid-19 patient ay inaatasan na magpa-RT PCR test.

Tuloy naman ang serbisyo ng mga frontline service providers, kabilang ang public order and safety office, city health office, city social welfare and development office, city disaster risk reduction and management office, city environment and natural resources office at city public market, ayon sa EO.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here