SAMAL, Bataan — Dinagsa ng maraming tao ang pagbubukas ng Christmas lighting at food bazaar sa bayang ito Sabado ng gabi.
Nagliwanag sa magagandang Christmas lights at dekorasyon ang bagong municipal hall at katabing gusali na nagkulay asul, plaza, center island, promenade, mga simbahan ng Aglipay at Katoliko matapos ang countdown na pinangunahan nina Mayor Alex Acuzar, Vice Mayor Ronnie Ortiguerra, mga konsehal at bisita.
Tampok sa plaza ang mataas at malaking Christmas tree na ang malalaking Christmas balls ay gawa sa kapis na sagana sa Samal. Meron ding maliit na belen
Binuksan din ang Christmas night food bazaar na pinilahan ng maraming tao.
Bago ang countdown nagpakitang-gilas ang ilang senior citizen at grupo sa kanilang song at dance number na sinundan ng kaakit-akit na fireworks.