sa hindi nito pagbabayad ng kaukulang buwis na umabot sa P1.6 milyon.
Ayon kay Khonghun ngayong 2015 ay pang limang taon nang hindi nagbabayad ng buwis sa pamahalaang bayan ang may ari ng Chowking kung kaya’t nagpasya na siyang ito ay ipasara.
Dugtong pa ng alkalde, nagsimulang di magbayad ng taunang buwis ang Chowking noong 2011 sa halagang P250,000 kada taon at puro “promissory note” na lamang ang laging pinakikiusap sa munisipyo ng Subic.
“Nakakahiyang isara pero hindi naman nagbabayad ng buwis. Ayaw nating mawala yang mga malalaking establismiyento dito sa Subic, pero paano naman yung mga nagbabayad ng buwis,” ani Khonghun.
Ayon sa ulat ang Chowking Subic ay kumikita ng P25 milyon hanggang P35 milyon kada taon, subalit hindi ito makapagbayad ng taunang buwis.
Sinikap na kunan ng pahayag ang mga namamahala ng Chowking subali’t hindi sila makapanayam hanggang sa presstime.