LUNGSOD NG SAN FERNANDO – Dalawang Chinese nationals na umano’y miyembro ng malaking sindikato ng droga ang bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA matapos kumagat ang mga ito sa ikinasang buy bust operation dito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Albert Co Chua at Chen Wen Miao, na sinasabing miyembro ng isang malaking sindikato ng droga sa bansa.
Ayon sa PDEA, matagal na nilang minamanmanan ang galaw ng mga suspek at mula sa Maynila ay natunton nila ang operasyon nito sa Pampanga.
Dito ay ikinasa agad ng mga operatiba ang isang drug bust operation sa isang fast food chain dito kung saan narekober mula sa mga ito ang dalawang supot ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalag ng P800,00.00.
Nakumpiska rin mula sa kanila ang walong boodle money na ginamit sa operasyon.
Ayon sa PDEA, mataas na uri ng shabu ang kanilang nakumpiska, mula sa kanila kung pagbabatayan ang physical composition ng droga.
Ang dalawa ay nagtungo sa San Fernando gamit ang mga sasakyang Ford Escape na may plakang XCV-663 at Delica Van na may plakang CTR-112.
Samantalang itinatwa ng mga suspek ang akusasyong ito ng PDEA.
Anila, naroon lamang sila upang magbenta ng kanilang sasakyan dahil sa kailangan nila ng pera upang ipampagamot sa kaanak ngunit bigla na umano silang dinamba ng mga operatiba.
Ayon kay Chua, kailangan lamang ng kanyang pinsan na si Miao ng pera upang ipampagamot sa may sakit na ama kayat ibinebenta nila ang kanilang sasakyan.
Hindi umano nila nalalaman kung saan nagmula ang nasabing supot ng mga shabu at mga boodle money.
Ayon kay Chua, dadalawang buwan pa lamang sila sa Pilipinas upang magnegosyo ng mga appliances ngunit nagduda naman ang mga mamamahayag sa depensang ito dahil sa matatas na itong magsalita ng Filipino.
Aminado naman si Chua na siya ay gumagamit ng droga ngunit hindi umano siya nagtutulak nito.
Hindi naman bumenta sa PDEA ang alibi na ito ng mga intsik at ang mga ito ay kasalukuyang nakaditene sa PDEA national habang nahaharap sa kasong pagtutulak ng droga.