LUNGSOD NG OLONGAPO — Sinimulan nang ipatupad ng Olongapo City Police Office nitong Jan. 12 ang Comelec Gun Ban sa buong lungsod bilang paghahanda na 2025 local at national election.
Ayon kay city police director Col. Charlie Umayam, nagsimula ang operation ng mga police checkpoint alas-12:00 ng hatinggabi kasama ang AFP, Comelec at mga kagawad ng media sa ibat-ibang lugar na sakop ng anim na police precinct ng OCPO.
Ito ay upang matiyak ng kapulisan na mapanatiling tahimik at maayos ang simula ng election period.
Dugtong pa ni Umayam, naka-focus sila sa visual search sa lahat ng sasakyan na dumadaan sa checkpoint para makasiguro na walang dalang baril ang mga ito.
Ang inilatag na Comelec Gun Ban checkpoint ay tuloy-tuloy hanggang sa matapos ang election period sa June 12, 2025.