Home Headlines Checkpoint lalong pinaigting

Checkpoint lalong pinaigting

1236
0
SHARE

Mahigpit ang pagbabantay sa checkpoint ng mga pulis sa unang araw ng GCQ na nagdulot ng pagsikip ng trapiko. Kuha ni Johnny R. Reblando.



IBA, Z
ambales — Ipinagutos ni Zambales police director Col. Ponce Rogelio Peñones, Jr. ang pagpapalawig sa mga itinalagang checkpoint sa buong lalawigan.

Ito ay sa pagsisimula ng general community quarantine nitong Lunes, Hunyo 1.

Dahil dito, nagkabuhol-buhol ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Olongapo-Bugallon Road matapos na magsipaglabasan ang mga truck na nagdedeliver ng mga essential goods at private vehicles papasok ng Zambales at papalabas naman ng Olongapo City.


Ayon kay Peñones imo-monitor pa rin nila ang mga pumapasok na dapat ay may dalang quarantine pass o yung mga tinaguriang authorized person outside residence.

Dugtong pa ni Peñones na “fake news” ang lumabas sa Facebook na nagsasaad na hindi na kailangan pa ang quarantine pass o di kayay medical certificate sa mga bibiyahe mula Subic hanggang Sta. Cruz, Zambales.

Kaugnay nito hindi pa rin pinapayagan na makapamasada ang mga bus at jeepney habang hinihintay pa ang kautusan mula sa LTFRB.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here