Charo Santos nasa loob nga ba ang kulo?

    656
    0
    SHARE
    Sa true, in bad taste talaga yung sinabi ni Ruffa Gutierrez na kay Charo Santos patterned yung character niya bilang Orchidia sa Nagbabagang Bulaklak ng TV5. Na sinabi nga ni Ruffa, amiable, mabait pero nasa loob ang kulo ng character. It is just like saying na nasa loob ang kulo ni Charo Santos.

    Sa Pilipinas, ang ibig sabihin ng nasa loob ang kulo ay mahinhin pero pagdating sa sex, todo-todo. Or yung iba naman tatahi-thaimik pero sa loob nito ay mga bagay na puwedeng gawin. Offending talaga, kumbaga.

    So far, silent lang si Charo sa isyu at hindi pa nagsasalita ng for or against it.

    Nakarating na nga kay Ruffa G na masama’ng loob ni Charo Santos dahil sa statement niya. Pero ayaw maniwala nitong masama ang loob ni Charo Santos sa kanya matapos niyang sabihin na ang kanyang role sa Mga Nagbabagang Bulaklak ay tulad ng kay Miss Charo na may mga hawak na talent at paiikutin niya ang buhay ng kanyang mga talent sa paraang gusto niya, dahil nasa loob ang kanyang kulo.

    “Naku, I’m sure hindi naman papatulan ni Ma’am Charo ang intrigang ‘yan dahil alam naman niyang hindi gano’n ang gusto kong sabihin. Ang totoo, bakit ko sasabihin sa kanya ‘yon, e ang laki-laki ng respeto ko sa kanya,” sey ng TV host-actress.

    Sinabi rin ni Ruffa na totoong kung minsan ay iba ang sinasabi niya sa gusto niyang ipakahulugan.

    “Madalas kasing nangyayari, nakakain ko ang mga word na tamang gamitin at napapalitan ito ng mga linyang hindi gano’n kagandahan, kaya kapag inaatake ako ng gano’n, kung minsan nakakalimutan ko kung ano ang kahulugan nang gusto kong sabihin. But I’m sure, wala ‘yon kay Ma’am Charo dahil wala namang dahilan para magsalita ako ng gano’n sa kanya,” pahayag ni Ruffa habang tuwang-tuwang pinanonood at pinakikinggan ang pagkanta ng dalawang anak.

    Say mo, Madam Charo?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here