Nakatsikahan namin si Charlene Gonzales matapos manumpa ng kanyang mister na si Aga Muhlach bilang member ng Liberal Party last Friday at naitanong namin sa kanya kung ano ang una niyang naging reaksyon nang malaman niyang interesado ang asawa na pumasok sa pulitika.
As we all know by now, tatakbo si Aga bilang congressman ng 4th district ng Camarines Sur sa 2013 elections.
“Siyempre, may gulat ako. But it took sometime for me also to accept what he wants to do but in the past kasi, talagang nasa puso ni Aga ang pagtulong sa marami noon pa, eh.
Kaya nagkaroon siya ng maraming (charity) projects like ’yung STEAM (Foundation) and through Jollibee (Ma-Aga ang Pasko project) and ’yung mga ibang classroom project.
Marami siyang ginawa but the reality of it, ’pag kulang ka sa organizations, hindi mo talaga magagawa lahat ang mga pangarap mo sa mga tao,” sabi ni Charlene.
Pinag-usapan daw nila itong mabuti at pumayag naman daw siya sa gusto ng asawa.
“Because he is my husband and nu’ng nag-asawa na kami, we became one, so, I supported him and I continue to support him sa lahat ng mga endeavor niya sa buhay.”
Handa naman ba siya sa mga black propaganda kung sakali?
“Well, they can try, but so far, wala naman kaming ginagawang masama, ’di ba? And we’d like to live that way. We’ve always lived a clean life and we will continue to live that way.”
Pero kung sakali, ready rin ba sila na baka hindi pumabor kay Aga ang resulta ng eleksyon?
“Meaning, kung hindi siya manalo? Of course. Like I said, this is a gamble. Kaya nga nagkakaroon ng eleksyon, hindi mo alam kung ano ang mangyayari.
There’s a winner and there’s a loser and whatever will happen, you know there’s also victory in defeat, hindi ba? There are also things to be learned.
“So, whatever God’s plans and God’s will will be, so be it. And we will accept that graciously. Kung ano magiging plano ng Diyos
“Pero sa puso ko, of course, I would also hope for a hundred percent the best and sa nakikita ko naman, because we live there, and we see na mukhang positive naman ang mga tao sa pagtanggap sa kanya, and open and willing naman sila sa pagbabago and happy sila na si Aga came back to his roots.”
Tulad ni Aga, hindi rin naman daw siya titigil sa showbiz sakaling manalo ang mister. Right now kasi, co-host si Charlene sa The Buzz every Sunday sa ABS-CBN.
“As of now, hindi naman talaga ako full-time sa showbusiness. Hindi naman ako titigil. Magtatrabaho pa rin ako sa The Buzz.”
’Yun nga lang, magpapabalik-balik sila ng Manila at Camarines Sur. Hindi ba ito nakakapagod?
“Well, it’s only 30-40-minute plane ride, mas matagal na pumunta ng Quezon City from Alabang para sa amin, mas traffic pa, so, hindi naman siya parang nagiging hadlang para sa amin. Saka bata pa kami, kayang-kaya pa naming mapagod ng ganu’n,” say pa ni Charlene.