Charee Pineda woman of the hour

    440
    0
    SHARE
    TinaNghal na best actress si Charee Pineda para sa pelikulang Alon ng Cinema One Originals kailan lang.

    Inaasahang sa next award giving season, Charee will still lord it over the others.

    Puwedeng sabihing masuwerte si Charee na kahit na hindi pa naman siya sa kategoryang aktres, naipakita niyang kayang kaya niya. Mahirap ang papel na ginampanan niya sa Alon at kami rito, we are congratulating her dahil sa nagawa niya.

    And speaking of Charee Pineda, nasabay naman sa pagkapanalo niya ‘yung kontrobersyang silang dalawa na ni Magalang Councilor na si Janus Calara. Kung saan saan kasi napunta ‘yung isyung una ay na-link si Charee kay Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian na sinabi ni Charee na hindi naman totoo. Sumunod naman ay ‘yung nag-deny si Charee na hindi totoong sila na si Janus. Janus also denied the issue and told this writer na wala sila ni Charee, friends lang daw sila. Sumunod na lumabas ay ‘yung si Janus ay na-link din pala one time kay Jamilla Obispo, ‘yung PBB housemate na nagkaanak sa pagkadalaga. “Nakilala ko lang siya noon, hindi nagging kami at mas lalong hindi ko siya naanakan, binatang-binata pa po ako,” sabi pa ni Coincilor Janus Calara.

    Now the truth is out. Very close sina Charee at Janus pero talagang wala pa sa puntong magkarelasyon na sila.

    Nanliligaw ba si Janus sa dalaga?

    “Parang ganun pero talagang parang friends lang kami. Bata pa kami pareho ni Charee at marami pang mga ambisyon. Maybe ‘yun muna ang uunahin namin.

    Owss?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here