‘Character check is being suggested’

    395
    0
    SHARE
    Na kung saan baka yan ay may iligal
    Ng gawain, gaya ng napabalitang
    ‘Hijackers’ na pala itong nangupahan
    Sa Greenville, malapit lang sa kabayanan

    Ng isa sa pinaka-sikat na lungsod
    Ay ni hindi nahalata ng ‘neighborhood’
    Na may nangyayari na pala sa loob,
    Kundi lang nitong ang nasabing ‘carnap group’

    Ay matunton na ng mga otoridad
    Ang‘hideout’ n’yan, na kung saan ang kinarnap
    Yatang sasakyan ay tila naka-imbak,
    Sa di kalayuan sa pusod ng siyudad.

    Pero kung di lamang maluwag marahil
    Ang pamunuan ng ‘Homeowners’ sa Greenville,
    Partikular na r’yan ang Barangay Council,
    Sa kung anong nararapat bigyang pansin

    Sakaling may gustong umupa ng bahay
    O may labas-masok sa kanilang lugar,
    Gaya ng pag-sino at anong kailangan
    Partikular na sa nais mangupahan

    Napakaliit lang ng posibilidad
    Na makapasok sa isang komunidad
    Ang kagaya nito o kahalintulad
    Na insidenteng yan sa anumang oras.

    Sa puntong yan walang posibleng hihigit
    Liban marahil sa dobleng paghihigpit,
    Ngayong ang lahat ng di kanais-nais
    Ay nangyayari na sa ating paligid

    Nang sa gayon walang anumang iligal
    Na aktibidad ang posibleng umiral,
    Gaya halimbawa r’yan ng pagsusugal
    At iba pang bagay na ‘pinagbabawal

    (At di kung alin ang barangay opisyal,
    Ang siyang pasimuno ng ilang iligal
    Na gawain, tulad sa ibang barangay
    Na sila pa mandin ang nagpapasugal)

    Kaya’t ito pa bang higit at marapat
    Mabigyan ng tamang atensyon at oras
    Para sa barangay o sa komunidad
    Ang makaya nitong gampanan at sukat?

    O maharap nito kung todo pasa lang
    Ang lahat ng bagay na kinakailangang
    Tutukan ng isang barangay opisyal,
    Para sa lugar nilang nasasakupan?

    Tulad na lang nitong ‘hijackers’ na pala
    Itong sa sakop n’yan ay naglalamyerda
    Ay di nabisto ang aktibidad nila
    Kundi nga lang nitong yan ay mahuli na.

    Kaya marapat lang sa puntong naturan
    Ang maging masuri sa nangungupahan
    Itong may-ari at kung saan kailangang
    Hingan nila dapat ng pagkakilanlan

    Saka iharap n’yan sa ‘barangay council’
    For further inquiry kung saan yan galing
    At kung anong ‘business’ nito kung sakaling
    Sila’y nagnanais dumito sa atin.

    Sa paraang yan ay ating masusukat
    Ang pagkatao n’yan at ang ilang dapat
    Malaman, bago yan tuluyang lumipat
    At manirahan sa ating komunidad

    At sapagkat wala ng pinaka-‘the best’
    Bago tumanggap ng ‘tenants’ na magre-‘rent,’
    Kundi ang bagay na ating sina-‘suggest,’
    Hence, character check is being recommended!


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here