Na tatakbo siya sa pagka-Pangulo,
Kapansin-pansin ang naging komentaryo
Ng kampo ni Binay at ni Roxas mismo.
Hinggil sa hindi nila inaasahang
Balak na pagtakbo sa pampanguluhan
Nitong ninanais nilang makatambal
Bilang bise, pero sila’y tinanggihan.
At imbes tumiket nga siya kay Roxas
O kay Binay, hayan kanyang inihayag
Ang planong pagtakbo na ikinagulat
Lalo nitong kay Grace ay panay ang banat
Na di siya qualified pagkat kwestionable
Ang citizenship n’yan na dual nga bale,
Na still pending sa kaukulang Korte
Ang petition para pigilan si Ate.
At kasong ika nga ay disqualification
Ang isinampa ng kung sinong amuyong
Laban kay Poe upang hindi makahabol,
Na aywan kung anong tunay na intensyon.
At sa kampo naman ng nanghaharana
Kay Poe para siya’y makatambal nila,
Hayan, ang komento ay negatibo na
At ang pasaring ay di kaaya-aya.
Kesyo, hilaw pa raw para sa tungkuling
Ninanais nitong makuhang sungkitin,
Gayong siya itong paboritong kunin
Upang maging VP nitong magagaling.
Hilaw pa pala siya, ano’t ninanasa
Nilang makasama sa pamamahala
Si Grace Poe kung sadyang sa ganang akala
Ng mga yan na siya ay bubot pang lubha?
O baka kaya lang ganyan ang reaksyon
Ng mga yan dahil higit na maugong
Si Ms. Poe sa lahat ng Presidentiable,
Na nagtataglay ng major winning factor?
At malaking banta para sa kanila
Ang isang baguhan lang sa pulitika
Na kagaya nga niya itong makatsaba
Ng panalo’t magpataob sa kanila?
Dala na rin nitong ang anak ni ‘Da King’
Ay lubhang tanyag at kakaiba ang dating
Sa puso ng Masa ng neophyte manding
Tulad niyang di pa trapong maituturing.
Ang bayan ay higit na maka-aasa
Ng mabuti-buting serbisyo kumbaga
Kaysa iba pa riyan na nagka-sungay na
At nilumot na sa pamumulitika.
Sawa na nga kasi itong karamihan
Sa mga ‘in & out’ nating politicians,
Na para bang wala ng mapagpilian
Kundi itong galing na kung saan-saan;
Na kumapal na ang mukha nitong iba
Sa napakatagal na pag-upo nila,
Kung kaya magaspang mang ‘papel de liya’
Di na makaya pang mapanipis sila.
At kung saan dahil sa nakasanayan
Ay walang pagsulong itong Inangbayan,
Kaya marapat lang sa puntong naturan
Na ang katulad n’yan ay huag nang ihalal!