Chanel na lovestruck kay Carl?

    361
    0
    SHARE
    Nasaksihan namin ang sweetness nina Chanel Morales at Carl Guevarra sa set ng bagong “Wattpad Presents” episode, ang Cassanova Love Game, na ipalalabas sa September 7 at dinirek ni Elaine Lozano.

    Bumigay agad si Chanel sa kissing scene nila ni Carl. Hindi smack lang na lagi niyang ginagawa noon kapag kapartner si Akihiro Blanco. Bagkus, naglapat talaga ang kanilang mga labi nang medyo matagal.

    Panay pa ang biro ni Carl kay Chanel pagkatapos ng eksena. Dapat daw ay mas matagal pa ang halikan nila dahil ang eksena ay pumayag na si Chanel na magpakasal sila.

    Natawa naman si Chanel, at off cam ay nakita naming hinalikan panito sa pisngi si Carl. Matagal nang crush ni Carl si Chanel. Pero dito sa Cassanova Love Game lang niya unang nakapartner ang produkto ng Artista Academy ni Ms. Wilma Galvante.

    Ani Chanel: “Sanay na ako sa mga lalaki na nagsasabing crush nila ako. Pero hindi pa ako nag-e-entertain ng suitor. Career lang at boutique business ko sa Bacolod City ang gusto kong pagkaabalahan ngayon. Katatapos ko lang grumaduate ng clothes designing course at gusto kong gamitin ito nang husto ngayon.”

    Excited si Chanel sa kanyang career ngayon. Makakasama siya sa next soap ng TV 5, ang “My Fair Lady.” Kasama niya rito ang bagong love team nina Vina Abrenica at Jasmine Smith Curtis. Three weeks na silang nagsu-shooting sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at sa Tagaytay City (sa Hacienda de Isabel ni Kuh Ledesma).

    Halos wala ngang tulog ngayon si Chanel dahil kasama rin siya sa Sunday show ng TV5, ang “Happy Truck ng Bayan.”

    Ani Chanel: “Okay lang sa akin. Kahit pa ako magkasakit. Pero, alaga ko naman ang sarili ko. Masaya ako pag marami akong trabaho.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here