NGAYONG si dating Pangulong Macapagal
ay napatunayan na nitong Ombudsman
na inosente siya’t walang kinalaman
sa napabalitang ‘fertilizer scam’
At absuwelto na sa kasong pandarambong
base sa resulta ng imbetigasyon,
marapat lamang na siya naman itong
kailangang mag-fi le sa ‘court of justice’ ngayon
Ng kasong‘perjury’ laban sa kapural
nitong nagpalasap ng kaparusahang
kahalintulad ng para sa kriminal
gayong ang lahat ay akusasyon pa lang
(At di pa naman din ‘convicted’ ika nga
sa ‘election fraud’ na isinampang bigla
sa Comelec nitong anila’y dinaya
ng kapartido niya ayon sa balita)
Pero kagaya r’yan nang unang nasabi,
si Ginang Arroyo’y dumanas na pati
ng ‘hospital arrest’ at pagka-detine
nang animo nga ay preso na rin bale;
At ni ayaw siyang payagang lumabas
ng Malakanyang sa bansang Pilipinas
para magpagamot at tuloy ihanap
ang sakit niya ng madaliang lunas;
ngunit hindi nga siya pinahintulutan
ng ngayo’y nasa kapangyarihan,
at kung saan muntik manganib ang buhay
ng ating subject sa hindi pagpayag niyan.
Sa puntong nasabi posibleng balikan
ni Ginang Arroyo ang kasalukuyang
administrasyon ng paninikil po n’yan
ng ‘human rights’ niya’t karapatang legal
Sa pamamagitan nitong pagsasampa
ng ‘perjury’ saka ‘moral damages’ pa,
ngayong siya’y wala naman palang sala
ay ipinakulong siya at nagdusa
Ng ‘several months’ na diyan sa Veterans
Hospital (ng mga sundalo ng bayan?)
At kung saan pati pagdalaw kung minsan
ng kapanalig niya’y di tinutulutan!
Dala marahil ng pinangangambahan
ng rehimeng Aquino ang gawing muli riyan
ng masa ang tulad nang pagpatalsik niyan
kay Macoy, nang yan ang nasa Malakanyang?
Bilang protesa sa ginawa kay Gloria
ng ‘justice department’ ni Leila de Lima,
at nitong iba pang kaalyado nila
na nasa Senado at d’yan sa Kamara.
At sila naman din itong makasuhan
ng ‘grave abuse of authority,’ kabayan
sa di n’yan pagiging patas sa paghimay
ng kaso, tulad nang sa kasalukuyan
(Partikular na riyan itong magagaling
na kasanggang dikit ng Pangulo natin,
Na di malayong ang iba’y kasankot din
sa ‘PDAF scam’ na nangangamoy pa rin
At di pa matiyak kung sinu-sino pa
ang posibleng sabit kapagka’ kumanta
na ng ‘Noche Azul’ o ng ‘La Paloma’
Itong ‘whistle blowers’ na nakahanda na).
Sana itong ating ‘Department of Justice’
ay huwag abusuhin ang sobrang paghigpit
kay Mam, na kung saan pati ang paggamit
ng celphone ay bawal sa lahat ng saglit.
Di ba’t abuso rin kay dating Pangulong
Arroyo ang siya ay basta ikulong
ng walang ‘due process’ at wala pang hatol
na ipinalabas ang alin mang ‘court room?’
Na magpapatunay sa pagkakasala
ng ating Kabalen na si Madam Gloria,
na di pa man nga ay nakapagdusa na
sa kung anong kasong ‘pending on trial’ pa?!