Cesar Montano di raw ipakukulong ni Sunshine Cruz

    400
    0
    SHARE

    NAKA-MOVE ON na nga yata si Sunshine Cruz sa paghihiwalay nila ni Cesar Montano dahil sa launching niya as the newest Ever Bilena endorser, hindi na lang ang bad things na nangyari sa pagsasama nila ng asawa, kundi pati ang magagandang nangyari sa kanya sa piling ng aktor.

    Generous daw si Cesar at hindi rin siya Bilmoko at nakaipon sa allowance na ibinibigay sa kanya. Patunay sa pagiging generous ni Cesar ay nakabili siya ng black Birkin bag.

    Binigyan daw siya ng malaking pera ng aktor at sinabihang bilhin ang gusto niya at Birkin bag ang binili. Kung alam lang daw niyang maghihiwalay sila, itinago na lang niya ang pera at hindi na bumili ng mamahaling bag.

    Nabigyan din siya ng aktor ng Rolex watch at Philippe Patek watches na dala niya pag-alis sa bahay nila ni Cesar.

    Sabi ni Sunshine sana si Cesar na lang ang mag-fi le ng annulment dahil mahal. Ang psychological test nga lang ay P60,000 na.

    May hearing ang mag-asawa para sa custody sa kanilang tatlong mga anak na siya niyang habol.

    “Ayoko naman siyang makulong, ayaw kong makulong ang tatay ng mga anak ko,” sabi ni Sunshine.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here