MAY dalawang buwan na rin ang nakakalipas mula ngayon ng mabuking ang itatayong 15-story integrated resort-hotel casino ng isang Korean firm Grand Utopia na nagkakahalaga ng $120 million na isa sa mga sinasabing critical infrastructure project sa SBMA.
Ito ay itatayo sa may 9,137 square meters na pawang ang nakatanim dito ay mga punong mas matanda pa sa ating ninuno na pinag-iwanan na ng mga sundalong Amerikano na siyang nangalaga at naglagay ng Mini-Golf course sa nasabing lugar at nalalabing tree park ng SBMA.
Ang lahat ng ito ay sinimulan ng sinira dahil sa proyektong ito. Nauna ng inihayag ni SBMA Administrator Armand Arreza sa mga ipinalabas na PRESS RELEASES na kanilang ibo “ball” ang mga puno, o baka naman “BOLADAS” pwede pa.
At para matuloy ang proyekto at para hindi masabing puputulin ang mga puno, aba! lihim at paisa-isang isinasagawa ang konstruksyon, sa katunayan dalawa ng dambuhalang poste na konkreto na ang naitatayo sa nasabing lugar at mga heavy equipment ang nasa loob ng pagtatayuan ng gusali.
Para hindi masabing pinutol ang puno, may makabagong paraan naman sila sa halip na putulin ang mga naglalakihang puno, binubuhusan ito ng LASON at unti-unting natutuyo ang mga puno at naglalag-lagan ang mga dahon nito. Hindi naman panahon ng tag-lagas, kung panahon man bakit natutuyo ang mga puno na dati hindi naman ganun.
Kung talagang under review pa ng SBMA ang proyekto Mr. Arreza, bakit may nagtatrabaho sa loob ng binakuran ng Grand Utopia?
Diba pansamantalang pinahinto ang konstruksyon dito, at bakit nagpapatuloy?
Sabagay sa ginagawang pagpatay sa mga puno sa pamamagitan ng paglason magiging basehan na ito para matuloy na ang proyekto at sasabihin ninyo nangangamatay na ang mga puno kaya pwede ng ituloy ang proyekto.
He he he, simple lang ano sir?
Taong 2009 na sir, baguhin na ninyo ang di magandang estilo, at tiyak mabubuking uli kayo sa bandang huli.