Cebu Pacific umaksyon sa reklamo ng GMA dahil sa pag-selfie ng flight attendant habang tulog si Alden

    385
    0
    SHARE
    Naghain na pala ng reklamo ang GMA Artist Center sa Cebu Pacific Air dahil sa ginawa ng flight attendant na kunan ng picture si Alden Richards habang natutulog. Parang nakipagselfie pa ang FA kasama ang isa niyang katrabaho na masaya at nakangiti habang tulog si Alden, saka pinost sa Facebook.

    Nakita namin ang picture na ipinag-react ng AlDub Nation dahil hindi raw nirespeto ang privacy ni Alden. Ang sabi, sinuspende for six days ang FA, pero bago pa ’yun magreklamo ang GMAAC, tingnan natin kung madadagdagan ang suspension ng FA sa reklamo ng GMAAC.

    May mga cute reaction din sa picture ni Alden na natutulog, nakita ng AlDub Nation na kahit tulog, guwapo pa rin ang aktor. Cute rin na ang AlDub pillow ang gamit nito, bigay ’yun ng fans nila ni Maine Mendoza o Yaya Dub.

    Good news ang nag-welcome sa pagbabalik ni Alden dahil successful ang blood letting na ginawa ng AlDub Nation last Sunday at nakaipon sila ng 65 blood units at makakatulong sa 195 patients. Pinuri sila ni PNRC Chairman Richard Gordon at PNRC Secretary General Gwendolyn Pang.

    Ang next project ng AlDub Nation ay feeding program at sana, makasama na nila sina Alden at Maine.

    Sa pagbabalik ni Alden, shooting ng My Bebe Love, launching ng album niyang Wish I May ng GMA Records sa October 17 at mall shows sa Ever Commonwealth at Market! Market! sa Oct. 18 at 23 ang magpapa-busy.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here