Home Headlines Cayetano: Pambili ng Covid-19 vaccine uutangin

Cayetano: Pambili ng Covid-19 vaccine uutangin

581
0
SHARE

Si Cong. Allan Cayetano nang makapanayam ng Punto! Kuha ni Rommel Ramos



HAGONOY, Bulacan — Hindi daw kukuhanin sa General Appropriations Act o GAA ang pambili ng
Covid-19 vaccine at sa halip ay uutangin ito sa pamamagitan ng Department of Finance.

Ito ay ayon kay Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano nang makapanayam ng Punto! sa pagbisita nito sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Bulacan.

Tiniyak naman ni Cayetano na bibili ng bakuna ang pamahalaan laban sa Covid-19 dahil hindi papayag ang Pangulong Duterte na hindi mapondohan ang pagbili nito.

Ngunit, aniya, uutangin ito ng DOF at dinidinig ngayon sa Senado kung ano ang paraan ng pagbili ng pinakamagandang bakuna na may pinakamataas na effectivity at pinag-aaralan din ang storage nito.

Nung una kasi, aniya, sa pagka-alam ng Kongreso ay kukuhanin sa GAA ang pambili nito ngunit magsu-supplemental budget lamang at ang source of fund ay ang nasabing pag-utang.

Hindi rin aniya kakayanin ang panukalang paglalaan ng P50 billion para sa bakuna gaya ng pahayag ni Senator Ralph Recto dahil nasa 110 milyon ang bilang ng mga Filipino.

Ipinaliwanag niya na sa pagdinig sa Senado kung saan kasama ang Department of Health ay pinag-aaralang mabuti ang paraan ng pagbili ng bakuna.

Aniya, kung papakinggan ang ulat ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr., ang pribadong sektor ay bibili rin ng 20 hanggang 30 porsiyento ng bakuna na gagamitin sa kanilang mga empleyado habang ang iba ay ido-donate sa gobyerno kayat sa ganoong paraan ay magkakatulong ang pribadong sektor at pamahalaan sa pagpapalaganap ng bakuna.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here