Home Opinion Cassandra Li Ong, payag kayang maging state witness?

Cassandra Li Ong, payag kayang maging state witness?

176
0
SHARE

Kung gagawing state witness si CASSY ONG
na nais mangyari ng ilang senador
ang ganitong hakbang kapag nagkataon
ay magiging banta sa mga protektor
ng napabalitang ILLEGAL TRANSACTION
na nauugnay sa POGO OPERATION

Lalo at nahuli na si Alice Guo
na muling humarap doon sa senado
kapag naisampa na ang pitong kaso
ay lilitisin na ito sa husgado
kung magkakagayon magiging testigo
ang mismong kasama pa nito sa POGO

Ang mabigat dito’y baka masabit pa
prominenteng tao nilang kakutsaba
kapag ang testigo ay naiipit na
baka inguso kung sinu-sino sila
hindi lang si Alice yaong nangangamba
kung hindi pati ang mga sumuporta

Na tumulong dito upang makapuslit
na kamakailan lamang ay nadakip
ang imbestigasyon lalong umiinit
doon sa ating House of Representatives
kahit anong piga ang gawin kay Alice
ay walang anumang pangalang binanggit

Sa naging pahayag ni former senator
dating PNP Chief PANFILO “Ping” LACSON
Si Alice Guo ay mahusay tumugon
napapaikot ang mga nagtatanong
at dahil sa well trained talagang marunong
sumagot sa kahit anong klaseng tanong

Kung si Alice Guo’y hindi raw nasibak
at alkalde pa rin sa may Bamban Tarlac
baka ito’y maging isang mambabatas
sa upper o kaya’y doon sa lower house
siya’y magiging banta sa’ting seguridad
dagdag pa ni Lacson sa kanyang pahayag

Maituturing siyang ESSENTIAL ELEMENTS
of INFORMATION pag napasok ang congress
magkakaroon siya ng sariling ACCESS
sa’ting mga HIGHLY CLASSIFIED DOCUMENTS
mga FOREIGN SPY yan ang tinatarget
upang mga bansa’y madaling ma-INVADE

Kung walang makuhang maayos na tugon
na galing kay Alice ang mga senador
gawin state witness na lang si CASSY ONG
may posibilidad pa nitong maisumbong
kung sino ang ahat ng INCORPORATOR
sa maanomalyang POGO OPERATION

At baka sakaling tukuyin niya lahat
pangalan ng sangkot dito sa POGO HUB
pati mga tao na naging kasabwat
nitong si Guo Hua Ping sa kanyang pagtakas
hintayin natin kung ano’ng magaganap
kapag si Cassandra Li Ong ay pumayag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here