CASH GRANT
    500 pamilyang Bulakenyo, pinagkalooban ng tig-P5,000

    369
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG MALOLOS – Limandaang pamilya mula sa unang distrito ng Bulacan ang nakatanggap ng P5,000 cash grants na hatid ng Livelihood Assistance for Neighborhood in Need through Cash Grant na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito noong Martes (Mayo 15).

    Sa pagtutulungan nina Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado at Senator Allan Peter Cayetano, layon ng nasabing proyekto na matulungan ang mga biktima ng bagyong Pedring at Quiel sa nasabing distrito na makabangon at makapagsimula muli sa pamamagitan ng pagnenegosyo.

    “Ang livelihood assistance cash grant na ito ay hindi dapat pabayaan sapagkat ito ay biyaya na kinakailangang pagyamanin at palaguin,” ani Alvarado.

    Dagdag pa ni Provincial Social Welfare and Development Office Department Head Rowena Joson-Tiongson, “after two-three months, kukumustahin ang nabigyan ng nasabing grant at kapag lumago ang kanilang negosyo ay makakatanggap sila ng additional incentives.”

    Bukod sa nasabing tulong pinansiyal, nagsagawa din ang Provincial Cooperative and Economic Development Office sa pamumuno ni Jovito Saguinsin at Elizabeth Alonzo ng Provincial Youth, Sports, Employment, Arts, Culture and Tourism Office ng isang orientation tungkol sa Simple Accounting and Basic Management.

    Layunin ng nasabing orientation na maturuan ang mga benepisyaryo ng livelihood assistance ng responsableng pamamahala ng negosyo.

    Ayon pa kay Saguinsin, naka-pokus ang orientation sa pagpapatakbo ng small scale businesses.

    Bukod sa kinatawan ni Sen. Cayetano na si Dr. Willie Buenaventura, dumalo din sa nasabing pagtitipon sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Director Adelina Apostol, Vice Gov.Daniel Fernando, First District Board Members Felix Ople, Michael Fermin at Therese Cheryll Ople.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here